Kahirapan sa Pagbasa ng mga mag-Aaral sa Key Stage 1: Batayan sa Pagbuo ng Programang Interbensyon
Keywords:
Kahinaan, Ponemang Segmental, Ponemang Suprasegmental, Ponolohiyang FilipinoAbstract
Ang pagbasa para sa isang makabuluhang buhay. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang mga kahirapan sa pagbasa ng 64 na mag-aaral sa Key Stage 1 sa isang komunidad sa Sentral Negros noong 2024-2025, gamit ang edad, kasarian, baitang, at kita ng magulang bilang mga baryabol. Gumamit ito ng deskriptibong disenyo at total enumeration sampling. Ang sariling gawang talatanungan ay sinuri para sa relayabiliti at baliti. Ang datos ay inanalisa gamit ang SPSS (frequency count, percentage, mean, t-test, at one-way ANOVA). Nalaman na ang unang baitang ay may katamtamang kahirapan sa eryang palatunugan, habang ang ikalawa at ikatlong baitang ay mayroong "mahirap" at "madali" na enterpretasyon sa eryang komprehensiyon, ayon sa pagkakasunod-sunod. May makabuluhang pagkakaiba sa kahirapan sa pagbasa ayon sa baitang at kita ng magulang. Bilang konklusiyon, masasabing nangangailangan pa ng gabay at tulong sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Key Stage 1. Inirerekomenda ang paggawa ng programang interbensyon ng mga Community Outreach Officers para sa mga mag-aaral sa Key Stage 1.