Salik na Nakakaapekto ng Komprehensiyon sa Pagbasa ng mga Mag-Aaral : Batayan sa Pagbuo ng Planong Interbensiyon
Keywords:
Komprehensiyon, Pagbasa, Pamamaraan ng Pagtuturo ng Guro, Malawak na Talasalitaan, Uri ng Babasahin, Gawi at Kaasalan ng mga Mag-aaral, Pansariling tala ng mananaliksikAbstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang salik na nakakaapekto ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral sa isa sa mga unibersidad ng lungsod ng Bacolod, Negros Occidental sa unang semestre sa taong panuruan 2024-2025, bilang batayan sa pagbuo ng planong interbensyon. Nilalayon nitong masuri ang mga salik na nakakakapekto ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral ayon sa mga sumusunod na ereya: Pamamaraan ng Pagtuturo ng Guro , Malawak na Talasalitaan , Uri ng Babasahin at Gawi at Kaasalan ng mga Mag-aaral. Ang ginamit na iskemang analitikal sa pagsusuri ng mga datos na nakalap ay Deskriptibo at komparatibong iskemang analitikal at ang estadistikang ginamit ay ang frequency count, percentage, mean, Mann-Whitney U test. Ang pagbuo ng isang malinaw at epektibong planong interbensyon ay maisasakatuparan upang matugunan ang mga nasabing salik na nakakapekto at mapabuti ang komprehnsiyon sa pagbasa mga mag-aaral. Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral ay sariling gawa ng mga mananaliksik. Natuklasan sa pag-aaral na ang Pamamaraan sa Pagtuturo ng Guro ang pinakamataas na antas ng lawak lalo na sa aytem na may kaaya-ayang katauhan, masayang disposisyon, may diwa mg paluwag-tawa (sense of humor). Samantala,Walang makabuluhang pagkakaiba na umiiral sa lawak ng mga salik na nakakaapekto ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang kung papangkatin at paghahambingin ayon sa nabanggit na mga baryabol na kasarian at kabuuang kita ng pamilya. Batay sa natuklasan nagbigay ng mungkahi ang mga mananaliksik na ang mga guro sa pagtuturo ay magbibigay ng mahahalagang impormasyon para sa mas maayos at mas personalisadong pagtuturo. Ang pagsusuri ay maaring magdulot ng pagpapalalim sa kanilang kaalaman sa mga pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo ng pagbasa at pag-unawa.